Ibinasura ng Korte Suprema ang mga kasong rape at acts of lasciviousness laban sa television host na si Vhong Navarro dahil sa kawalan ng probable cause, ayon sa isang ulat.
Binaligtad ng mataas na hukuman ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na inilabas noong Hulyo 2021 at Setyembre 2022.
Nag-ugat ang kaso sa reklamong inihain ni Deniece Cornejo laban sa aktor noong 2014, na kalaunan ay na-dismiss ng Department of Justice (DOJ).
Gayunpaman, binaliktad ng CA ang desisyon ng DOJ noong 2022 na nagresulta sa kanyang pansamantalang pagkakakulong sa National Bureau of Investigation detention facility bago siya inilipat sa Taguig City Jail.
Pinayagan si Navarro na makapagpiyansa ng korte noong Disyembre 2022 matapos magbayad ng P1 milyon.
Related Stories
September 21, 2024
March 15, 2023