
Isa nang ganap na miyembro ng sektang Iglesia Ni Cristo (INC) si Bianca Umali.
Ayon sa ulat ng Cabinet Files ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 2021, binautismuhan si Bianca sa Iglesia Ni Cristo, Lokal ng Las Piñas, noong December 23, 2020.
Pero, nanindigan si Bianca na nagpa-convert siya sa INC hindi dahil sa boyfriend na si Ruru Madrid kundi dahil sa maraming personal na kadahilanan.
Faithful members ng Iglesia Ni Cristo si Ruru at ang kanyang pamilya. Hindi tumatanggap ng showbiz commitments ang aktor tuwing Huwebes at Linggo dahil ito ang mga araw ng pagsamba nila ng kanyang pamilya sa Iglesia Ni Cristo.
Sa panayam kay Bianca sa Updated with Nelson Canlas podcast kahapon, February 17, 2023, sinabi niyang hindi siya nagpa-convert dahil lamang sa pag-ibig.
Saad ng 22-year-old Kapuso actress, “First of all, yes, isa na po akong ganap na Iglesia Ni Cristo.
“But I don’t think I would have it fall under the category of things you do for love or these things that I do for love.
“Kasi yung pagiging Iglesia ko, yung pag-convert ko is something that is very personal to me.
“It is a personal choice and not a choice I made just because in love ako sa isang tao.”
Ayon pa kay Bianca, ilang taon din siyang namuhay mag-isa kaya naisip niyang gumawa ng mga hakbang sa buhay na kanyang ikaliligaya.
Noong siya ay 20 taong gulang, naisip niyang magkaroon ng matibay na relasyon sa Panginoon.
Sabi pa niya, “I have been alone for how many years and I knew at some point na I wanted something for myself na hindi mawawala.
“And I knew that it wasn’t something that was materialistic. But then I realized, it was my 20th birthday, sabi ko, ‘Maybe it’s my faith.’
“’Coz I knew that God has always been in my life. He has always guided me. (Courtesy of by Arniel C. Serato from PEPE)