Nasaktan si Datu Montawal, Maguindanao del Sur Mayor Ohto Caumbo Montawal matapos pagbabarilin ng dalawang salarin habang nasa loob ng kanyang sasakyan sa Pasay City noong Miyerkules, Pahayag pulisya noong Biyernes.
Sa isang report , sinabi ng Southern Police District (SPD) na binabaybay ng sasakyan ni Montawal ang Roxas Boulevard Service Road bandang 6:30 ng gabi. nang pagbabarilin ng mga suspek.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek patungo sa Buendia, Pasay City.
Nagtamo ng tama ng bala sa balakang at kaliwang braso si Montawal. Isinugod siya sa Ospital ng Maynila at kalaunan ay inilipat sa Asian Hospital sa Muntinlupa City.
Dalawang fired cartridge case ang narekober sa pinangyarihan.
Sinusuri na ngayon ng pulisya ang CCTV footage sa loob ng lugar, ayon sa SPD.
Ang pamamaril ay ang pinakabagong insidente ng karahasan na ginawa laban sa mga lokal na opisyal ngayong buwan.
Noong Pebrero 17, binaril ng mga armadong lalaki ang isang convoy ni Lanao del Sur Governor Mamintal Alonto Adiong Jr. sa Bukidnon. Bagama’t nakaligtas si Adiong, apat sa kanyang mga kasama ang napatay.
Noong Pebrero 19, napatay si Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at limang iba pa sa pananambang sa Bagabag, Nueva Vizcaya.
Related Stories
September 20, 2024
September 20, 2024