Pakiramdam daw ni Ruffa Gutierrez ay trinaydor siya ng isang malapit na kaibigan nang makipagrelasyon ito sa dating karelasyon ng aktres.
Inamin ni Ruffa na nakaramdam siya ng galit noong una nang matuklasan niya ito.
Ang tinutukoy na ex-boyfirend ni Ruffa ay si Jordan Mouyal, isang French-Israeli na nakarelasyon niya ng pitong taon.
Noong November 2020 nang mapaulat ang paghihiwalay nina Ruffa at Jordan.
Kasalukuyang karelasyon ni Jordan ang isang event host at communications officer, base sa Instagram posts.
Inusisa si Ruffa kung ano ang naramdaman nito nang malamang “best friend” niya ang idini-date ng kanyang former boyfriend.
“In the beginning, siyempre, galit ka kasi kaibigan mo,” pag-amin ni Ruffa
Sunod na tinanong si Ruffa kung nag-overlap ba sila ng kanyang kaibigan o nakipaghiwalay muna siya bago nakipag-date ang kanyang ex.
Sagot ng aktres, “I left the person. I left him because I didn’t see a future with him. So, it’s very clear na wala naman siyang naging kasalanan sa akin.
“It’s just that I wasn’t growing anymore. After seven years, di ba, it’s time for you to think, ‘Where is this relationship going? Is it still inspiring me to be the best person that I can be?’
“I just didn’t know na sasaluhin siya nung isa sa mga close friends ko.”
Aminado si Ruffa pakiramdam niya ay trinaydor siya ng kaibigan.
“Alam ko naman makikipag-date siya [Jordan], di ba, alam ko naman yon dahil pinakawalan ko na nga.
“Pero para i-date ng friend ko na malapit talaga sa akin, it’s more of the betrayal of friendship,” pag-amin niya.
“But now, looking back in hindsight, I know that there is something better waiting for me and someone better waiting for me.
“And that’s the reason why that we didn’t get along to begin with. It’s because may naghihintay sa akin na bigay ni Lord.”
Napag-usapan din kung si Ruffa ba ang tipong nagsasabi ng kanyang nararamdaman o kinikimkim niya ito.
Ayon kay Ruffa, mayroon siyang “Italian temper” at nagsasabi agad ng kanyang nararamdaman.
Kinumpronta ba niya ang kaibigan nang malaman nitong nakipagrelasyon ito sa kanyang ex-boyfriend?
“Yeah. Like I said, I have the Italian temper,” nangingiting sabi ni Ruffa.
“Pag galit ako, ano rin, tumatawag din ako, hindi ako papaapi.”
At saka nagmuwestra si Ruffa na siya ang tatawag sa phone, tatalakan ang kagalit at bababaan ito.
“After a while, nawawala yung anger,” sundot ni Ruffa.
Pahabol niya ukol sa ex at dating close friend, “I moved on and thank you so much because I’m doing so well with my life.” (PEP)