Maaapektuhan ng northeast monsoon o amihan ang Luzon habang ang Low Pressure Area (LPA), na tinatayang base sa lahat ng available na datos sa 340 kilometro Timog-silangang ng Hinatuan, Surigao del Sur o 320 kilometro Silangang Timog-silangan ng Davao City ay magdadala ng ulan sa Visayas at Mindanao, iniulat ng PAGASA.
Ang Mindanao ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan.
Ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Aurora ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mga pag-ulan dahil sa northeast monsoon na may posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Samantala, ang Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dulot ng LPA at mga localized thunderstorm na may posibleng flash flood o landslide sa panahon ng matinding
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may mahinang mga pag-ulan dahil din sa northeast monsoon ngunit walang makabuluhang epekto.
Ang Luzon at silangang bahagi ng Visayas at Mindanao ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na bilis ng hangin na kumikilos sa hilagang-silangan hanggang hilagang direksyon habang ang mga baybaying dagat ay magiging katamtaman hanggang sa maalon.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang bilis ng hangin na kumikilos sa hilagang-silangan hanggang hilagang direksyon habang ang mga baybaying dagat ay mananatiling mahina hanggang sa katamtaman.
Ang pagsikat ng araw ay magiging 6:05 a.m., paglubog ng araw sa 6:06 p.m
Related Stories
September 21, 2024
September 21, 2024
September 20, 2024