Isinusulong ni Sen. Mark Villar ang isang panukala na mag-uutos sa paglalagay ng mga timer sa trapiko at mga ilaw ng pedestrian sa mga urban at rural na lugar.
“Ang kawalan ng mga timer ay nagpapahirap sa mga motorista at pedestrian na mahulaan ang mga pagbabago sa alerto ng kulay, na ginagawang hamon para sa kanila na maayos na tumugon sa signal,” sabi ni Villar sa paghahain ng Senate Bill 1959.
Ang mga timer sa traffic at pedestrian lights ay makakabawas sa kalituhan, panganib ng mga aksidente at posibleng paglabag, ayon sa dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
“Itinuring na nararapat na pagbutihin ang sistema ng pamamahala ng trapiko sa pamamagitan ng pagbibigay ng malinaw na signal sa mga motorista at pedestrian,” aniya.
Dagdag pa ng neophyte senator, ginagamit ang traffic lights at pedestrian lights bilang senyales sa daloy ng mga sasakyan at pedestrian sa kalsada.
“Ito ay mahalagang bahagi ng sistema ng pamamahala ng trapiko dahil nakakatulong ito sa pag-regulate ng mga paggalaw sa kalsada. Ang mga traffic light ay karaniwang may tatlong signal, na naghahatid ng mahalagang impormasyon sa mga driver at pedestrian sa pamamagitan ng paggamit ng mga kulay at simbolo,” sabi ni Villar.
“Talagang nakakatulong ang traffic lights. Gayunpaman, nagkakaproblema ang mga motorista at pedestrian dahil sa kawalan ng countdown timers ng ilang traffic lights,” dagdag nito .
Sinabi ni Villar na ang mga timer ay idinisenyo upang ipakita ang natitirang oras hanggang sa magpalit ang traffic light at dapat na malinaw na nakikita ng mga driver at pedestrian.
“Dahil sa nabanggit, ang pag-apruba ng panukalang ito ay taimtim na hinahangad,” aniya.
Idinagdag niya na ang DPWH at Department of the Interior and Local Government, sa pakikipag-ugnayan sa mga local government units, ay dapat tiyakin ang pagpapanatili at maayos na paggana ng mga timer sa traffic at pedestrian lights, at gagawa ng angkop na aksyon upang matugunan ang anumang aberya o pagkabigo.
Related Stories
September 23, 2024
September 20, 2024
September 20, 2024